Bilang isang mag aaral ano ano ang mga dapat mong iwasan sa paggamit ng teknolohiya

Academia.edu no longer supports Internet Explorer.

To browse Academia.edu and the wider internet faster and more securely, please take a few seconds to upgrade your browser.

Namulat na tayo sa bagong ekonomiya ng ating mundo. Nabubuhay na tayo sa tulong ng mga teknolohiya. Mapa-bahay, maba-trabaho, o mapa-eskuwela. Lahat ng tao sa paligid mo ay gumagamit na ng makabagong teknolohiya.

Sa panahon natin ngayon madami nang mga makabagong teknolohiya ang nabubo at isa na dito ang internet at social media kung saan ay nakakatulong sa atin ang paggamit nito sa pagaaral, pagsasaliksik at komunikasyon na mayroong negatibo at positibong epekto sa ating mga mamamayan na gumagamit nito

Kapag may narinig na salitang “online”, malawak ang ibig sabihin nito Isa rin itong daan sa pakikipagkomunikasyon sa mga mahal sa buhay na malalayo.

Mayroon din na hindi magandang epekto ito sa mga kabataan at isa na roon ang pagiging tamad ng isang bata. Halimbawa  nalang kapag inutusan ka ng nanay mo, ngunit dahil tutok ka sa online ang sasabihin mo ay “wait lang”. Ang salitang ito ay paulit-ulit mong sasabihin hanggang sa hindi mo na magawa ang pinapagawa sayo ng iyong nanay.

Tunay ngang isang distraksyon ang online, dahil mas ginagawa niyang tama dang mga tao. imbes na makakatulong ito, ay kabaliktaran pa ang naidudulot nito. Bilang isang tao, dapat  matutuhan ang pagiging responsible. Dapat bigyan ng limit ang online.

KD|G11 STEM-A|CCNHS

   Sa pag gamit ng teknolohiya hindi lang bansa,kalikasan o kung ano pa ang naapektuhan kundi tayo ring mga gumagamit nito, sa sobrang paggamit ng teknolohiya maari iton magdulot ng “vission problems” lalo na sa sobrang pag gamit nito maari ring makasama ang “radiation” nito sa atin.  Upang makaiwas tayo dapat bigyan natin ng limitasyon ang ating sarili sa pag gamit ng teknolohiya lalo na kung di naman ito masyadong mahalaga dahil tayo rin ang mahihirapan kung aabusuhin natin ang pag gamit nito. kaya’t habang maaga pa pigilan natin ang ating mga sarili maging responsibilidad tayo sa ating mga ginagawa dahil lahat ng ito ay may kapalit.

Makikita natin sa larawan ang malaking epekt ng teknolohiya sa ating kalikasan, oo maari nating sabihin na nakaktulong nga ang teknolohiya sa pag papaunlad sa ating bansa ngunit dapat rin nating tuonan ng pansin ang masamang epekto nito sa ating kalikasan dahil nakakasalalay rin dito ang ating kanya- kanyang pamumuhay. makikita natin na sa pag unlad ng teknolohiya kasabay rin nito ay ang pag kasira sa ating kalikasan dahil sa makabagong teknolohiya mas maraming nagagawa ang mga tao, tulad na lamang ng pag gawa ng mga gusali mga mall o ano mang establesyemento, sa pag pag papatayo natin ng mga ito akala natin na gumaganda ang ating bansa/mundo dahio dito ngunit hindi natin alam na sa bawat pag putol natin ng mga puno upang makagawa ng gusali ay unti-unti ring namamatay at nasisira ang ating kalikasan. huwag tayong masilaw/maaliw sa  mga makabagon teknolohiya maraming bagay ang dapat isa alang-alang  bago natin ito gamitin.

Malaki ang epekto nito sa ating bansa sa pag papaunlad nito mas napapadali natin ang pag papaunlad sa ating bansa dahil meron na tayong mga modernong kagamitan na maari nating gamitin ng hindi na tayo nahihirapan. Sa makabagong teknolohiya ngayon mas napagtutuunan natin ng pansin ang ating bansa mas madali na para sa ating mga gobyerno na masulosyunan ang mga suliranin at napapanatili natin ang ugnayan natin sa ibang bansa. Habang lumalago rin ang ating teknolohiya kasasbay ng pag lago rin nito ang ating bansa. Dahil rin sa makabagong teknolohiya nakakasabay na rin tayo sa mga pag babago sa ibang bansa.

Epekto ng teknolohiya sa ating transportasyon? malaki dahil dito mas napapadali tayong makarating sa ating patutunguhan ng walang hassle dahil rin sa teknolohiya mas madali nating napapadala o nauungkat ang ating mga produkto sa ibang bansa at mas madali na ang world trade sa ngayon dahil sa ating makabagong teknolohiya. Malaki talaga ag nagagawa at naitutlong ng teknolohiya sa atin sa kahit anong aspeto ng ating buhay. ngunit para maiwasan ang mga komplikasyon dapat alamin natin kung paano ito gamitin ng  tama.

Sa pag unlad ng teknolohiya mas maraming bagay ang nagagawa nito na makakatulong sa  atin, ngunit may mga tao rin na umaabuso na. makikita natin sa larawan na dahil sa teknolohiya nakakalimutan na nya  ang gawaing bahay sobrang kalat at parang wala na syang pakialam isa ito sa epekto ng teknolohiya, oo alam natin na malaki ang natutulong ng teknolohiya sa atin ngunit dapat rin nating alalahanin na sa maling pag gamit natin nito may mga bagay na naapektuhan.

Malaki ang epekto ng teknolohiya sa komunikasyon dahil dito mas napapadali ang paghahatid ng mensahi kahit nasa malayo ang padadalhan nito. Kapg mahina ang komunikasyon maari mag karoon ng agwat ang dalawang tao ngunit dahil sa makabagong teknolohiya napapadala nito ng maayos ang mga mensahi ng bawat isa. Kung mabilis ang pag hatid ng mensahi mas mabilis rin ang pidbak nito, kunwari na lamang kapag may emergency kapag mabilis ang pagpapdala ng mensahe sa isang taong malayo mas madali rin masulosyunan ang suliranin. Ngnunit dahil rin sa teknolohiya may mga tao ring inaabuso ito may mga taong ginagamit ito para sa sariling inensyon may mga tao ring nakakasakit sa ibang tao dahil sa maling pag gamit ng teknolohiya.

Sa tanang kasaysayan ng edukasyon ay malaki na ang naiambag ng teknolohiya.Sa katunayan,ang teknolohiya ang isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pag- aaral ay nagiging madali,mabilis,at mabisa.Kung kaya nama’t napakaraming mag-aaral ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pag-aaral. Mas napapadali ang pag kuha ng impormasyon ng mga mag aaral.Ngunit may negatibo ring epekto ang teknolohiya dahil dito mas tinatamad na ang mga studyanteng mag basa ng mga libro, mas nakadepende na sila sa teknolohiya, katulad nalang sa kompyuter dahil mas madali nalang makakuha ng impormasyon hindi na binabasa ng mga mag aaral ang ginagawa nalang nila ay “copy paste” dahil dito wala na silang mnaintindihan sa kanilang ginagawa. 

Sa paglago ng tiknolohiya sa ating panahon ay may kaakibat na epekto sa ating mga tao lalo na sa mga kabataan. Sa panig ng isang magulang, unang nagiging problima nila sa kanilang anak na kabataan ay pag-uugali na tila sumasabay sa takbo ng panahon subalit, nagiging suwail ang ilan, matigas ang ulo, at kawalan ng galang. Ilan sa mga matatanda ang nagsasabi at nagkukwento ng kanilang kabataan na kung saan napakalaki ng pagkakaiba. May mga kabataan na rin na nalululong sa mga ” mobile games” nagbababad nalang sa kompyuter at hindi na lumalabas ng, ang pagkakaluluong sa mga “mobile games” ay nag dudulot ng masamang epekto saisipan ng batadahil kapag nalulong tayo sa isang bagay gagawun natin ang lahat mkakuha lamang natin ito maaring gumawa ng masamang bagay upang makuha lang ang gusto o makalaro lang nito. May ilang mga kabataan na rin na sumusuway sa kanilang mga magulang  hindi na nakikinig sapagkat mas inuuna pa ang pag gamit ng kanilang mga “gadget”.

Ang kahalagahan ng teknolohiya ay mas napapadali nito ang buhay natin. Mas naging agad agad ang mga prosesong dati’y mga ilang araw pa ang makakalipas bago mo ito magagawa. kagaya nito ang pagsusulat ng liham at ipapadala sa ibang lugar. maaari itong umabot nang 2 o ilang araw, depende sa kung saan mo ito ipapadala. samantalang ngayon na mayroon na tayong internet, pwede mo nang ipadala ang iyong sasabihin sa isang pindot lamang. Mahalaga rin ito sapagkat may mga bagay tayong hindi nagagawa sa tulong ng teknolohiya maari na natin itong magawa.

Paano nga ba nakakatulong ang teknolohiya sa atin? Sa pagbabago ng panahon, nagbabago rin ang ekonomiya, nag babago ang pag gamit ng mga bagay-bagay at mas umunlad ang ating teknolohiya mas naging updated ito tulad ng sa ibang bansa. Sa pag unlad ng ating teknolohiya kasabay rin nito ay ang pag unlad ng ating ekonomiya dahil sa teknolohiya mas napapabilis ang pakikipag kalakaran sa ibang bansa. Sa bawat pag unlad ng teknolohiya may dala rin itong pagbabago sa atin mapasama man o mapabuti. Ang kakayahan ng makabagong teknolohiya ay gawing mas produktibo, mabilis at palagiang tama ang ibinibigay na resulta ng anumang pinag gagamitan nito, isa lamang itong katibayan na ang teknolohiya  ay may malaking kontribusyon sa pag unlad ng bansa.

Neuester Beitrag

Stichworte